How to Blog an Exploding Man?

A Lot of No Water

Posted on: May 28, 2006

 

Monday is “igib” day…

Shet! Ang sakit sa likod ng pag-iigib, kasi buong souther NCR ay walang tubig, lalo na sa Paranaque City! Bwisit na Maynilad yan! Pati pagbomba ng tubig mula sa ilalim ng tubig ay pinagbawalan na din ng NAWASA… Bakit ganon? ang taas taas naman ang binabayad namin sa bill sa tubig pero wala pa ding tubig!

Ang hirap na talaga ng Pilipinas!

Anyway, nagsimula na din kanina ang Calla Lily… istorya ng kambal na may pangalang Calla at Lily (so logical diba!), pinangunahan ito ni Sharlene San Pedro, na isa sa pinaka talendatong bata sa bansa ngayon at symepre sa KAPAMILYA network… maganda naman ang istorya ng Calla Lily, yun nga lang ay sana mapanood ko iyon kapag nagsimula na ang panibagong school year!

Nagsimula na din ang My Girl… grabe ang ganda ganda nito! Tawa ng tawa ako sa MG kanina, ang ganda ganda ni Jasmin (Angela of Green Rose). Buti ito ay nasa Post-TVP ang schedule nito kaya mapapanood ko ito araw-araw, yun nga lang kung wala na akong klase ng ganung oras (around 9:00pm)…

Kanina din ay dumating ang pinsan kong si Gio at Gelo, dapat nga ay manonood kami ng X-MEN 3: The Last Stand, kaya lang ay di natuloy kasi bigla naman silang nagkasakit, kaya baka di an kami makanood… nakakainis talaga!

Anyway, balak kong magpatahi ng isang polo long sleeves, na0inspire ako ng suot na polo ng kaibigan ni Jasmin sa My Girl (yung driver ng bus) ang ganda kasi ng tela, at mukhang madadala ko naman yung ganong klase… isasabay ko sa pagpapagawa ng OJT Practice Teaching Uniform ko…

hehehe… sige na! bukas ulit!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: